At sinabi ko sa kanya ang lagi kong sagot sa mga taong nagtatanong sakin nito, "Matulog."
Oo, matulog. Bawiin ang lahat ng tulog na nawala sa akin simula ng tumuntong ako sa ekwelahan.
Ngunit ngayon na fresh grad na ako, ang kasagutan ko sa katanungang iyon ay hindi ko talaga naisasakatuparan.
Nakakapanibago. Wala akong dapat gawin. Hawak ko na ang oras ko. Mula sa paggising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi, walang mga gawain na nakatakda kong simulan, gawin o tapusin.
Parang ang sarap isipin pero nakababaliw. As in.
Tipong naghahanap ako ng mga bagay na pampalipas oras.
Paliguan ang tuta. Pinatulan ko na nga pati pagkukuto ng tuta namin.Panonood ng series (sailormoon, cardcaptor sakura, desperate housewives, house, etc), cartoons na pinapanood ng mga pamangkin ko (dora d lakwatsera, barney, disney cartoons, movies na cartoons, etc), mga telenovela at primetime shows sa channel 2 na pinapanood ng nanay ko (maging sino ka man, wowowee, sana maulit muli, princess hours, game ka na ba, etc), at mga dibidi dibidi ni kuya. Siguro kung may cable kami, malamang saulo ko na mga palabas sa bawat channel.
Isipin mo naman kasi, na ang dami-dami kong ginagawa dati, tapos biglang tenen! wala na sa isang iglap. Hindi yata ganoon kabilis mag-adjust ang aking body clock.
Hindi naman sa wala akong ginagawa talaga. Pumupunta naman ako sa mga job interviews and exams. Yun nga lang ang dahilan kung bakit ako lumalabas ng bahay sa ngayon. Natawa akong nalungkot nang minsan, pauwi ako galing sa isang interview, habang nasa bus ako, sumagi lang sa isip ko na wala akong eskwelang dapat puntahan, mga ka-batch ko na dati-rati araw-araw kong nakikita, part-time job na dapat pasukan. Wala. At noon ko lamang talaga naramdaman, graduate na ako.
At kasama na ako sa stat ng mga fresh grad na walang trabaho. wuhuu!!
Companies: Please adopt me.








--
"I'm Never Coming Home. Heart Taken Away, And Dismantled. I'm Not Coming Home..."
--
have a lil faith in me..
--
Weirdzz ©
a girl secrets and keepsakes
--
Notgettingeno ughsleepmakesitdi fficulttogetalong withothers.
--
have a lil faith in me..
--
have a lil faith in me..
--
have a lil faith in me..
Previous Page123Next Page